(NI ANNIE PINEDA)
NAHATULAN ng pagkakakulong ng Sandiganbayan ang dating alkalde sa kasong graft na may kinalaman sa fertilizer scam.
Sa desisyon ng Sandiganbayan 3rd Division na nilagdaan nina Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justice Bernelito Fernandez, napatunayan guilty sa kasong graft si dating Butuan City Mayor Leonides Theresa Plaza kasama ang pitong iba pang opisyal ng nasabing lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod.
Ang pito ay kinilalang sina Salvador Satorre, Adulfo Llagas, Arthur Castro, Rodolfo Evanoso, Bebiano Calo, Danilo Furia, at Melita Galbo.
Nag-ugat ang nasabing kaso taon 2014 fertilizer fund scam dahil sa pagbili 3,333 bote ng liquid fertilizers mula sa Feshan Philippines, Inc. sa halagang P1,500 bawat isa na mas mataas sa halagang 1,000 porsiyento.
Lumabas din sa pagsisiyasat ng Office of the Ombudsman at ng Commission on Audit na ang nasabing mga fertilizer ay walang ipinagkaiba ang kalidad sa mga fertilizers na nagkakahalaga lamang ng P120 hanggang P125 bawat litro.
Nagkaroon din ng sabwatan ang alkalde at mga ospiyal na akusado at mapadali ang proseso sa pagpapalabas ng naturang pondo.
Dahil ito, pinatawan ng pagkakakulong ng 10 taon ang mga akusado at habambuhay na diskuwalipikasyon humawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno.
Bukod rito, pinagbabayad rin si Palza P4.5-milyong multa sa pamahalaan lokaL ng Butuan City.
306