WHAT’S in a title? Following the unequaled box office success of Hello, Love, Goodbye ay may nakakabit nang titulo kay Alden Richards: “Asia’s Box Office King.”
Suportado naman ito ng mga figures. More than P800 million ang iniakyat nitong kita sa Star Cinema.
Parang nahihiya naman kami para kay Kathryn Bernardo who deserves half of the credit. Pero wala kaming narinig na binansagan siyang Asia’s Box Office Queen after the showing.
Exagg para sa amin ang inilundag ng titulong iginawad kay Alden samantalang in the past ay hindi pa siya nagbida in a full-length movie.
Talagang ikinabit pa ang “Asia” sa kanyang titulo as if naman ay sakop ng Pinas ang Asya when it’s geographically the other way around.
At tayo lang ba ang may mataas na output sa paggawa ng mga pelikula? There’s Bollywood in India.
Huwag din nating sabihing walang mga Asian actors whose movies don’t make money.
May mga siguradong mag-aapela in relation to the case of other local celebrities na may “Asia” ring nakadikit sa kanilang mga moniker: Songbird (Regine Velasquez), Nightingale (Lani Misalucha), and yes, how can we forget Queen of Songs (Ms. Pilita Corrales)?
Excuse me, but none one of them has earned her title overnight. It didn’t come after one hit single or one LP album or one show/concert.
Eh, si Alden? May pinagbidahan na ba siyang pelikula bukod sa Hello, Love, Goodbye, or at least a movie of his own?
Please drop the “Asia” to this title. Box Office King naman talaga siya this year but for the word “Asia” to be connected to his title ay bumilang muna si Alden ng string of box office hits.
For now, he has the Pambansang Bae tag to contend with.
###
Tampok dito ang dalawang magkaibigan: isang male TV host at isang sikat na propesyonal cum businesswoman.
Years ago, it was the TV host who broached the idea na isang wise investment na bilhin ng kanyang female friend ang isang property in the eastern part of Metro Manila. Gustuhin man ng TV host to acquire it for himself ay hindi aabot ang kanyang nakatabing pera to be able to meet the P50 million value of the assessed property.
Dahil interesado rin naman ang businesswoman, she had to withdraw from her dollar savings katumbas ng halaga in peso. Nagkataon namang sumadsad ang palitan ng dolyar against the peso kung kaya’t kung tutuusi’y nakabuti pa ang pagwi-withdraw niya.
Nabili niya ito kung saan nakatirik ang kanyang negosyong popular sa mga artista.
Years later, nang i-assess na ang value ng property ay dumoble na ito, from P50M to a whopping P100M! Part of the property ay pinauupahan niya sa isang sikat na bangko at P600,000 a month.
In short, may dapat ipagpasalamat ang businesswoman sa male TV host.
143