FARMERS, FISHERS MABEBENEPISYUHAN SA KADIWA NG PASKO

PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga nakiisa sa isinagawang paglulunsad ng Kadiwa ng Pasko na naglalayong makapagbigay ng murang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Sa video message ng Chief Executive, ipinaabot nito ang kanyang pasasalamat partikular sa sellers na kalahok sa trial run ng nabanggit na programa.

Umaasa ang Pangulo na makatutulong ang naturang programa sa mga Pilipino lalo na’t panahon na ng Kapaskuhan kung kailan karaniwang tumataas ang halaga ng prime commodities.

Napakahalagang tulong ayon sa Pangulo ang partisipasyon ng mga nakilahok sa nasabing programa sa gitna ng target ng gobyerno na mabigyan ng murang halaga ng pagkain ang publiko ngayong holiday season.

Samantala, itinataguyod din ng Kadiwa ng Pasko na mapalakas ang agri-fishery products ng local farmers at fishers.

Dito kasi aniya ay mabibigyan din sila ng mas malaking income. (CHRISTIAN DALE)

324

Related posts

Leave a Comment