FERTILIZER SCAM NAGBABADYANG MAULIT

NANGANGAMOY part 2 ang fertilizer scam na nangyari noong panahon ni dating pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Kahapon ay pinaalalahanan ni Pangasinan Rep. Mark Cojuangco ang Department of Agriculture (DA) sa planong pagbili ng BioFertilizer sa halagang P2.5 billion na walang kasiguraduhan na makatutulong sa mga magsasaka.

“I would like us, the Philippines, to be careful in the expenditure of these kinds of monies to purchase something which is not sure to benefit our farmers,” ani Cojuangco sa privilege speech ukol sa

Memorandum Order 32 ng DA na nilagdaan umano ni Undersecretary for Rice Industry Development Leocadio Sebastian na layong itulak ang paggamit ng BioFertilizer.

Hindi aniya biro ang laki ng halagang nais gamitin ng DA para sa BioFertilizer na nagkakahalaga ng Php 6,000.00 per pack at batay sa Invitation to Bid ng DA-Region I sa PhilGeps para sa “Supply and Delivery of 1,000 packs of Microbial-based BioFertilizer,” ito ay tinatayang magkakahalaga ng anim na milyong piso.

Hindi rin umano malinaw kung ang Biofertlizer na isinusulong ng DA ay karagdagan sa fertilizer assistance na ibinibigay sa mga magsasaka o ipapalit ito sa Urea na presyo ngayon ay P1,230 per bag mula sa dating P2,500 per bag.

Mas mababa rin aniya ang nitrogen content ng BioFertilizer (1%) kumpara sa Urea (46%) at para tumbasan ito ng bagong fertilizer na gustong ipagamit ng DA sa mga magsasaka ay mangangailangan ng P5.52 million gayung ang katumbas lang nito sa nakasanayang abono na P2,460 ang halaga ng 100 kilogram.

Bukod sa negatibong epekto umano nito sa productivity ng palay kung ito ang ipamimigay ng DA sa mga magsasaka.

“At only 1 ton marginal palay production per hectare, 2.5 Billion pesos represents more than 2 million bags of urea and 2M lost tons of palay production for that crop,” ayon pa kay Cojuangco.

Inihalintulad niya ito sa karanasan ng bansang Sri Lanka nang ipagbawal ang paggamit ng synthetic fertilizers at pesticides ng kanilang Presidente noong 2021 na naging sanhi ng pagbagsak ng produksyon ng palay sa 20% sa loob lamang ng anim na buwan.

Dahil dito, kailangan masusing imbestigahan aniya ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso dahil bukod sa posibleng bumaba ang produksyon ng pagkain ay napakalaking halaga ang gagastusin. (BERNARD TAGUINOD)

104

Related posts

Leave a Comment