FIRING SQUAD SA DRUG TRAFFICKERS ISUSULONG

bato12

(NI JG TUMBADO)

DESIDIDO si Senator elect Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na isulong ang death penalty bill sa Senado.

Sa ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni Dela Rosa na hindi nagbabago ang kanyang posisyon na patawan ng parusang kamatayan ang mga big time drug trafficker sa bansa.

Paliwanag ng dating heneral ng PNP, nais nya ipa-firing squad sa plaza ang mga big time drug trafficker para hindi na pamarisan pa .

Gusto niya rin umano na i-cover ito ng live ng media para mapanood at magsilbing babala sa mga kriminal.

Ani Dela Rosa, batid niya na may mambabatikos sa kanyang panukala lalo na ang Commission on Human Rights (CHR) ngunit wala umano syang pakialam dahil lagi namang may negatibong sinasabi ang CHR sa kampanya kontra kriminalidad.

128

Related posts

Leave a Comment