FORFEITURE CASE SA MARCOSES IBINASURA NG SANDIGAN

sandigan12

(NI ABBY MENDOZA)

DAHIL sa kawalan ng matibay na ebidensya, ibinasura ng Sandiganbayan ang P102 bilyon forfeiture case laban kay dating pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Marcos at sa 11 cronies nito.

Sa 67-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Second Division, pinuna nito na inabot na ng 30 taon ang  Presidential Commission on Good Government(PCGG) bago iniakyat ang kaso sa graft court subalit nabigong patunayan ang mga akusasyon laban sa mga Marcoses.

“It saddens the Court that it took more than 30 years before this case is submitted for decision and yet, the prosecution failed to present sufficient evidence to sustain any of the causes of action against the remaining defendants,’ nakasaad sa desisyon.

Hindi rin umano napatunayan ng prosekusyon na nagkamal ng yaman at nakinabang ang mag asawang Marcos sa pagpapautang sa Aklan Bulk Carriers, Inc., Fuga Bulk Carriers, Inc., Coron Bulk Carriers, Inc., at Ecija Bulk Carriers, Inc.

Gayundin ay walang ebidensya na ginamit ng mga Marcoses para sa kanilang pansariling interes ang kita mula sa RPN-9, IBC-13 at BBC-2 at nagpartisipa ang mga Marcoses sa pagpapatayo ng  California Overseas Bank.

“It is settled that in civil cases, the party making allegations has the burden of proving them by a preponderance of evidence. In addition, the parties must rely on the strength of their own evidence, not upon the weakness of the defense offered by their opponent,” ayon pa sa desisyon.

Sa usapin ng paggamit ng mga dummy ay hindi rin umano napatunayan na nakinabang ang mga cronies at ginamit ang mga ito bilang dummy sa mga transaksyon.

Kasama sa abswelto sa kaso sina Rafael Sison, Placido Mapa, Jr., Don M. Ferry, Jose Tengco, Jr., Ramon Monzon, Generosa Olazo, Cynthia Cheong, Ma. Luisa Nograles, Leopoldo Vergara, Jose Africa at Rodolfo Arambulo.

127

Related posts

Leave a Comment