Free legal help sagot ni PRRD PULIS, SUNDALO PROTEKTADO HANGGANG DULO

INULIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pahayag na patuloy na poprotektahan ang mga pulis at sundalo na nahaharap sa asunto kahit pa tapos na ang kanyang termino.

Aniya, handa siyang magbigay ng free legal help kapag sila’y maling pinaratangan na gumawa ng pang-aabuso habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

“Even if I’m no longer a mayor or a President, if it is done in the performance of duty, tutulungan ko kayo maski saan, abogado ako. Ilulusot ko kayo,” ayon sa Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa awarding ceremony ng Madayaw Residences Units sa Davao City.

Kumpiyansang sinabi ng Pangulo na mabibigyang katuwiran niya ang naging aksyon ng mga ito lalo na kung ito’y may kinalaman sa pag-aresto at paglaban sa mga kriminalidad at NPAs (New People’s Army).

“Makapatay kayo ng lima, anim diyan . You know, one burst of the Armalite, brrtt, iba-iba ang matamaan, pati inosente. Do not worry. That is part of the territory of fighting. I will be there to support you,” dagdag na pahayag nito.

Binigyang kredito naman ni Pangulong Duterte ang mga pulis at militar sa pagtulong ng mga ito na gawing maayos na lugar para tirhan ang Davao City.

“Without the support of the police and the military in the early days of my mayorship, I could not have succeeded. Davao would not be this beautiful, industrial buildings that would make our people happy,” ayon sa Pangulo.

Samantala, hinikayat naman nito ang International Criminal Court (ICC) na tigilan na ang pagbabanta na iimbestigahan ang di umano’y crimes against humanity na resulta di umano ng anti-illegal drugs campaign ng administrasyon.

“Ang ICC, nakikinig man kayo, huwag na kayong mag-drama ng idemanda-idemanda niyo,” anito. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment