(NI DANG SAMSON-GARCIA)
KINUWESTYON ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kabiguan ng gobyerno na maisulong ang flagship projects nito sa nakalipas na dalawang taon.
Ayon kay Drilon, sa 75 na flagship projectes ng Duterte administration ay siyam pa lamang ang naisasakatuparan.
Iginiit pa ng senador na ang 75 flagship projects ay bahagi ng economic relationship ng China at Pilipinas.
“The administration has only started nine projects in two years’ time… And they cannot even tell us what these nine projects are,” diin ni Drilon.
Sinabi pa ni Drilon na ang Department of Transportation at Department of Public
Works and Highways (DPWH) ang dalawa sa mga ahensya ng gobyerno na maituturing na ‘worst performed in its ability to disburse.’
Iginiit ni Drilon na hangga’t hindi ito naisasakatuparan ay hindi rin ito makatutulong sa ekonomiya lalo na sa usapin ng job creation.
Maging si Senador Panfilo Lacson ay bumanat din sa mga ahensya ng pamahalaan na humihingi ng malalaking pondo para sa government projects subalit hindi pa nito nadidisburse ang nauna nilang budget.
“Here we are, borrowing more than what we need kasi gusto natin mag-build up ng cash. Pero taun-taon ang laking hindi nagagamit sa budget. It doesn’t make sense. We borrow to build up cash position pero pag total natin ito, ang estimate namin mga P257B,” saad ni Lacson kasabay ng pagsasabing nasa P217 bilyon ng 2017 national budget ang hindi nagamit.
Sinabi ni Lacson na may malaking bahagi ng hindi nagastos na pondo dahil hindi alam ng ahensya ang paraan ang paggastos ay isinisingit lamang ng mga mambabatas habang pinag-uusapan ang budget.
“I think it has something to do with planning. Kaya masama ang planning, hindi alam ng agencies. Sometimes there are items in their budget lodged in their department… these are insertions made by legislators and they were not consulted when these PAPs were inserted in the budget. Ang result, hindi ma-implement. Pag hindi na-implement, unused. Not properly vetted or planned. How do we cure this? How do we remedy unused appropriations?,” dagdag nito.
132