GRAFT CASE NI BONG HILING MAILIPAT SA QC COURT

bong

(NI TERESA TAVARES)

HIHINGI ng go-signal ang Sandiganbayan sa Supreme Court upang idaos sa isang korte sa Quezon City ang paglilitis sa kasong graft laban kay Senador Ramon Bong Revilla Jr. at sa iba pang kapwa akusado.

Ayon kay Sandiganbayan First Division chairperson Associate Justice Efren dela Cruz, sa ilalim ng Rules of Court, dapat idaos ang pagdinig sa New Bilibid Prisons (NBP) kasunod ng pagkakahatol na guilty sa dating legislative aide ni Revilla na si Richard Cambe at sa utak umano ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Si Cambe ay kasalukuyang nakakulong sa NBP habang si  Napoles ay nailipat na sa  Correctional Institution for Women.

Sinabi ni Dela Cruz na hihilingin nila sa SC na mailipat sa QC ang pagdinig dahil sa dami ng mga co-accused at kanilang mga abugado na dadalhin sa NBP para sa mga pagdinig.

Itinakda muli ng  Sandiganbayan ang paglilitis sa kasong graft laban kay  Revilla sa Enero 24.

Sa kasalukuyan ay mayroon pang 16 na kasong graft ang nakaumang laban sa dating senador.

203

Related posts

Leave a Comment