Grupo ng retiradong sundalo dismayado DESTAB PLOT KAY MARCOS

MAY mga retiradong sundalo na nanghihikayat sa mga nasa aktibong serbisyo na maglunsad ng kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Base ito sa pahayag ni AFP chief of Staff Romeo Brawner nang makipag-usap siya sa mga sundalo sa ginanap na change of command ceremony para sa bagong pinuno ng AFP Western Mindanao Command.

Agad namang naglabas ng paglilinaw ang tanggapan ng National Security Adviser at liderato ng Armed Forces of the Philippines at pinabulaanan ang destabilisasyon.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo M. Año, “The Chief of Staff, AFP was misquoted or misinterpreted by the media while he was talking to the troops”.

Sa inilabas na statement ni Sec. Año, walang destabilization plot o movement laban sa pamahalaan. Sinasabing nanatiling tapat ang AFP at ang buong security sector sa commander in chief at hindi kailan man maimpluwensyahan para sumama sa anomang destabilization plot laban sa gobyerno.

Maging si AFP Spokesman Col. Medel Aguilar ay agad naglabas ng paglilinaw na …”General Romeo S Brawner Jr., the Chief of Staff, AFP, was simply misquoted. ”

“In his message to the troops during the Change of Command Ceremony of the Western Mindanao Command yesterday, November 3, 2023, he merely mentioned the reported efforts by certain individuals to upset the peace and stability that the country is enjoying right now under the leadership of President Ferdinand R Marcos Jr. Therefrom, General Brawner again reminded all AFP personnel to remain professional and loyal to their oath to protect the people and the State,” ani Col. Aguiar.

Kinumpirma ni Sec. Año na: Yes, there were healthy and passionate exchanges/debates among some retired or former military officers and even some criticism against certain policies of the current administration, but they are within the bounds of our democratic space. Although oftenly abused, they are part of the freedom of expression where most are academic discussions or politically motivated paglilinaw, ng NSA.

Nananatiling mapagmatyag ang security sectors at nakahandang magsagawa ng anomang pagkilos laban sa anomang grupo na bumabalewala sa ating national security.

Dagdag pa ni Año, nanatiling mataas ang trust rating ng PBBM administration na nangangahulugan na nasisiyahan ang taong bayan sa performance ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo sa sambayanan at pagtugon sa concerns and issues kabilang na rito ang pangangalaga sa soberanya ng bansa, sa sovereign rights, at jurisdiction sa West Philippine Sea.

(JESSE KABEL RUIZ)

220

Related posts

Leave a Comment