Ibinida sa SONA sablay pala BBM PAHIYA SA TINDI NG BAHA

(BERNARD TAGUINOD)

NAPAHIYA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil dalawang araw pagkatapos niyang ipagmalaki ang mahigit 5,000 flood control projects na ang natapos ay binaha nang husto ang Metro Manila at mga karatig lalawigan dahil sa bagyong Carina na sinabayan ng Habagat.

Ito ang pahayag ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares dahil noong July 22 ay ipinagmalaki ni Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na 5,500 flood control projects na ang natapos at marami pa ang ginagawa.

Walang ibang sinisisi ng dating mambabatas sa problemang ito kung ang reclamation projects sa Manila Bay na bagama’t namana lamang ni Marcos ay hinayaan niyang magpatuloy ito kahit alam niyang magpapalala ito sa baha sa Metro Manila at karatig na lalawigan.

Kahit anong flood control project ang gawin mo o pagkalkal ng basura sa mga estero kung ang pupuntahan ng tubig ay barado o tinambakan na ng reclamation siguradong babaha at ganito na nga ang nangyayari ngayon,” dagdag pa ni Colmenares.

Hindi na nito na ipinagtaka na lumubog nang buong-buo ang mga bahay sa Malabon, Quezon City, Valenzuela, Marikina, Caloocan at maging sa Rizal dahil hinaharangan ng mga reclamation projects ang Manila Bay, ang daluyan ng tubig ulan.

Dahil dito, muling umingay ang panawagan na itigil na ang reclamation projects dahil bukod sa nawalan ng hanapbuhay ang mga mangingisda ay nanganganib ang buhay at ari-arian ng mga tao tuwing umuulan.

“It’s clear that these projects are exacerbating the vulnerability of our communities to climate-related disasters. The government must prioritize the safety and well-being of its people over profit-driven development,” ani Colmenares.

110

Related posts

Leave a Comment