ILANG PINOY, SA SINGAPORE NAGPAPA-DENGVAXIA SHOT

dengue55

(NI BERNARD TAGUINOD)

KASUNOD ng pagdedeklara ng Department of Health (DOH) ng epidemya sa bansa sa dengue, dumarami ang mga Filipino na nagpapabakuna ng nasabing vaccine sa Singapore.

Ito ang nabatid kay Iloilo Rep. Janette Garin lalo na’t tuluyang tinanggalan na ng Bureau of Foods and Drugs (BFD) ng lisensya ang dengvaxia kaya hindi na ito maaaring gamitin sa Pilipinas.

“Parents who have been to Singapore to access the dengue vaccine have shared this information and we feel it is our duty to share this as well for those who are asking about how they can access the dengue vaccine,” ani Garin.

Sinabi ni Garin na pagdating sa Singapore, ay kailangang pumunta sa Singapore General Hospital upang magpatest kung nagkaroon na ang pasyente ng dengue na hindi nila alam,

“Note: It is common that one can be infected with dengue and not know it.
Once you have your test results and this is positive for past infection, you will have to go to a private clinic with a prescription from your doctor and be vaccinated by the Singaporean GP,” ani Garin.

Nabatid na SG$60 hanggang SG$ 80 o P2,100 hanggang P2,800 ang bayad sa pagpapatest kung nagkaroon ng dengue na hindi narandaman habang ang SG$200 naman aniya ang per-shot ng Dengvaxia o P7,000.

Ayon kay Garin, nakalulungkot na kailangan pang gumastos nang malaki ang mga Filipino para maproteksyunan lang ang mga ito sa dengue gayong dapat ay libre ito sa Pilipinas.

Tanging ang mga batang edad 9 anyos hanggang 45 anyos ang maaaring magpabakuna ng dengvaxia upang kahit makagat ang mga ito ng lamok na may dalang dengue ay hindi manganib ang kanilang buhay.

397

Related posts

Leave a Comment