IMPORTASYON NG BIGAS IPINAHINTO NI DU30

bigas22

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon ng rice importation sa gitna ng paghihirap ng mga magsasaka sa Rice Tariffication Law.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ng Pangulo na mag-uumpisa na ang gobyerno na bumili ng lokal na bigas upang matulungan ang mga magsasaka na mga nalugmok sa pagbaha ng imported na bigas sa merkado.

Noong Pebrero, nilagdaan ng Pangulo ang Rice Tariffication Law na nagtatanggal sa restriksiyon ng importasyon ng bigas sa paniwalang maibaba ang presyo nito sa merkado.

Gayunman, direktang naapektuhan ang mga magsasaka sa batas na nagresulta sa pagbagsak ng farm-gate prices ng palay.

Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) hanggang noong Oktubre 25, bumagsak ang presyo ng palay sa pinakamababa sa nakalipas na walong taon.

Ayon sa PSA, ang farm-gate price ng bigas ay bumagsak sa P15.35 kada kilo na 27% mababa kumpara sa presyo sa katulad na panahon noong 2018.

159

Related posts

Leave a Comment