(NI ABBY MENDOZA)
MAGTUTULUNGAN na ang Department of Agriculture at Philippine Competition Commission sa imbestigasyon nito kung bakit nanatiling mataas ang presyo ng bigas sa kabila ng pagbaha ng mas murang bigas sa merkado.
Sa ilalim ng nilagdaang memorandum of agreement sa pagitan ng DA at PCC ay magpapalitan ang dalawang ahensya ng impormasyon at resources para madali ang gagawin nitong imbestigasyon.
Ayon kay William Dar, halos nasa 2M metric tons ng imported rice na ang kanilang nailabas sa merkado ngunit hindi pa rin nadidiktahan ang presyo ng bigas sa merkado, tiyak umano na may iregularidad na siyang nais nilang matumbok.
“We don’t see it happening in the market—the outcome or the impact of more imports of rice. And that’s the reason this collaboration with the Philippine Competition Commission is very important. We will look at whether fair trade is happening, or is there some collusion between and among importers, traders, and millers,” paliwanag ni Dar.
Sa panig ni PCC Chair Arsenio Balisacan, tiniyak nito na ang lahat ng mga importers at rice dealers ay kasama sa kanilang iimbestigahan.
“We will look at the parties involved. The Competition Commission is a quasi-judicial body has investigative power,” paliwanag ni Balisacan.
Tiniyak ng dalawang ahensya na may mananagot sa oras na matukoy nila na may mga nagkokontrol ng presyuhan ng bigas sa merkado.
218