JULY 9 REGULAR HOLIDAY PARA SA EID’L ADHA

OPISYAL na idineklara ng Malakanyang na regular holiday sa buong bansa sa Sabado, Hulyo 9, 2022 bilang paggunita sa Eid’l Adha (Feast of Sacrifice).

Ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang “greatest feasts” ng Islam.

Sa bisa ng Republic Act No. 9849, ang tenth day ng Zhui Hijja, 12th month ng ISlamic Calendar, ang national holiday para sa pagdiriwang ng Eidul Adha (Eid Al Adha) ay may movable date.

Pagsunod sa 1442 Hijrah Islamic Lunar Calendar, ang National Commission on Muslim Filipinos ay inirekomenda na ang Hulyo 9, 2022, ay ideklarang national holiday. (CHRISTIAN DALE)

61

Related posts

Leave a Comment