KAHANDAAN SA DELUBYO TINULUGAN NG SENADO

PINAGBUNTUNAN ng sisi ng isang militanteng kongresista ang Senado na aniya’y tinulugan lang ang nakabinbing panukalang batas na naglalayong paghandaan ang hagupit ng mga delubyo.

Partikular na tinukoy ni House deputy minority leader Carlos Zarate ang House Bill 5259 na ipinasa ng Kamara noon pang nakaraang Marso.

Sa ilalim ng HB 5259, nakasaad ang probisyong naglalayong magtaguyod ng mga permanenteng evacuation centers kung saan pwedeng gawing pansamantalang tahanan ng mga pamilyang apektado ng mga delubyo tulad ng pagbaha, pagguho ng lupa, lindol at iba pa.

Aniya, hindi man lang gumalaw sa Senado ang nasabing panukalang batas, hanggang sa abutin na ng bagsik ng malaking bahagi ng Visayas at Mindanao bunsod ng bagyong Odette.

“Under House Bill No. 5259, our proposed evacuation centers should be typhoon, earthquake, disaster resistant so that the victims would be safer and would not be confined in tent cities which are exposed to the elements especially now that most houses and structures in many areas are either destroyed or heavily damaged,” sambit ni Zarate.

Bahagi rin ng “pinatulog” na panukala ang mga kalakip na pasilidad kabilang ang tubig, kuryente, pagkain, palikuran, maayos na tulugan sa ilalim ng isang matibay na istruktura kesehodang tumama pa ang kinatatakutang 7.2 magnitude na lindol o hampasin ng hanging may lakas na 300 kph.

“This is a departure from the common practice of using schools and multi-purpose halls as evacuation centers but are still in danger prone areas,” hirit pa ni Zarate.

“We can save lives by ensuring that sturdy and typhoon-resilient, climate change-adaptive evacuation centers are located at a distance safe from waters and landslide-prone areas in every two to three contiguous barangays,” pahabol pa ng mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

4

Related posts

Leave a Comment