KAMPEONATO SA SEAGAMES TIWALANG MASUSUNGKIT NG PINAS

seagames12

(NI ABBY MENDOZA)

KUMPIYANSA si Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) Chair at House Speaker Alan Peter Cayetano na maiuuwi ng Pilipinas ang kampeonato sa 2019 Southeast Asian Games sa kabila ng ibat ibang kontroebrsiya na nagsulputan kamakailan.

Ayon kay Cayetano  nakakaapekto ang timing ng paglutang ng mga mga kontrobersiya subalit tiwala sya sa kakayahan ng Pilipinas na makukuha ang unang puwesto sa medal tally.

Umaasa si Cayetano na sa ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang SEA Games ay titigil na muna ang mga kritiko upang kanilang mapagtuunan ng mabuti ang paghahanda sa international event.

Aniya, makalipas ang SEA Games ay nakahanda syang  humarap sa anumang imbestigasyon tungkol sa ginastos.

“Handa kong sagutin at ipaliwanag ang bawat sentimo na ginastos dito”giit ni Cayetano.

Hirit ni Cayetano, sana ay noon pang deliberasyon sa 2019 budget para sa pondo ng SEA Games naitanong ang mga isyung ito hindi ngayon kung kailan nalalapit na itong gawin sa bansa.

Bukod sa pinag-iinitang P50 Million cauldron ay nakahanda rin si Cayetano pati na ang BCDA na sagutin ang P11 Billion na inutang ng bansa sa Malaysian firm na pampagawa sa New Clark City sports hub.

Samantala, may 9,000 volunteers na karamihan ay mga Filipino ang tutulong sa pagdaraos ng Sea Games.

Ayon kay Volunteer Program official Chris Tiu tapos na nila ang pagscreen sa may 90% ng mga volunteers at halos matatapos na rin ang screening pa sa may 10% ng mga volunteers.

“We work with our security task force to screen our volunteers to make sure they have no derogatory history with other agencies. We do our due diligence also to ensure the safety of our volunteers, which I admit is quite a challenge,” pahayag ni Tiu kung saan kasama sa special security task force ang Philippine National Police (PN) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Ang mga volunteers ay tutulong sa pagbibigay ng quality customer service, information sa SEA Games at security measures.

Ang lahat ng accredited volunteers ay bibigyan ng uniform kasama na rito ang collared shirt, pants, medyas, bag at ID  gayundin ang libreng pagkain.

“We’ll be feeding them. It’s the same, what we will be eating, what our COO will be eating, what Speaker Alan will be eating if he comes will be the same as our volunteers. But of course, each venue may have different food. Point-to-point transportation will also be provided for the volunteers,” paliwanag pa ni Tiu.

 

397

Related posts

Leave a Comment