(CHRISTIAN DALE)
‘OBSESSED’ ang administrasyong Marcos na ‘demonyohin’ si Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy para mabaling ang atensyon ng publiko mula sa “deepening crises” ng bansa.
Sinabi ito kahapon ni dating pangulong Rodrigo Duterte na itinalaga kamakailan bilang KOJC property administrator.
Ang alegasyon ni Duterte ay inihayag nito sa isang kalatas na binasa ni KOJC Executive Secretary Eleanor Cardona sa isinagawang Senate inquiry hinggil sa di umano’y alegasyon ng paggamit ng sobrang pwersa o lakas ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Quiboloy at mga co-accused nito noong Hunyo 10.
Ayon kay Cardona, inimbitahan si Digong sa hearing subalit hindi nakarating.
“It is unfortunate that the obsession of this administration to demonize Pastor Quiboloy even before he could be convicted by a court of law is a clear maneuver to divert attention from the deepening crises pawned by corruption, incompetence, and abuse of authority,” ayon kay Duterte sa isang kalatas na may petsang Hunyo 13.
Tinuran pa ni Digong sa isang kalatas na ipinag-utos niya ang paghahanda ng affidavits sa lahat ng mga miyembro na pawang mga naagrabyado at na-trauma sa naturang pagsalakay at inventory ng church properties na nasira bilang ‘consequence.’
Gayundin, nagbabala si Digong na ang insidente na pinost sa social media ay naghatid ng ‘wrong signal’ na ang Pilipinas ay naging ‘police state’ at walang paggalang sa batas at religious institutions.
Para naman kay Cardona, kinuwestiyon nito ang operasyon laban kay Quiboloy.
“Is it because he is also the spiritual adviser of so many, especially the former President Rodrigo Roa Duterte? Pastor Apollo Quiboloy is not yet convicted in any court here in the Philippines. Allegations ‘yun lahat,” aniya pa rin.
Giit ni Cardona na may ‘efforts’ mula sa Estados Unidos “to rendition” Quiboloy sa halip na i-extradite siya.
Sinabi naman ni PNP Chief Rommel Marbil sa nasabing pagdinig na isinagawa ng PNP ang June 10 operation “with strict adherence to the PNP operational procedures” at ang kanilang guiding principle ay pagtibayin ang human rights habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin na may ‘highest standards of professionalism’ at paggaling sa batas.
“This operation was not just a routine action. It was a critical mission to execute a lawful warrant of arrest against the fugitives of the law Apollo Quiboloy and five others in connection with non-bailable offenses. Sa Tagalog po natin, walang piyansa ang child abuse and qualified trafficking,” ayon kay Marbil.
“On the day of the operation despite facing unprovoked resistance from KOJC followers, our personnel exercised remarkable self-restraint and maximum tolerance throughout the operation to avoid tension and prevent any untoward incident,” aniya pa rin sabay sabing “PNP did not retaliate nor resort to excessive force.”
Sinabi pa ni Marbil na ginamit ng KOJC bilang human shield ang kababaihan at kabataang miyembro nito sa halip na makipagtulungan sa mga awtoridad at nagresulta ito ng ‘obstruction at delay’ ng lawful actions ng kapulisan.
“Armed with bolos and other bladed weapons male members of this group engaged in violent confrontations with police officers [and] as a result six individuals and two minors were taken to the police station but were released the same day for humanitarian reasons,” ang litaniya ni Marbil.
Tiniyak ng opisyal na bukas sila sa anomang imbestigasyon ng police operation.
168