KONSYUMERS BULAG SA PRESYUHAN NG LANGIS

0

(Ni BERNARD TAGUINOD)

BULAG ang taumbayan sa presyuhan ng langis sa bansa dahil itinatago umano ito ng mga oil companies kasabwat mismo ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Energy (DOE).

Ito ang  pahayag ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate matapos makatanggap ng impormasyon na tila nagpapadala ang DOE sa pressure umano ng mga oil companies na huwag ilabas ang hinihingi nilang memorandum na nag-aatas na ilabas sa publiko kung ano ang basehan ng kanilang presyuhan sa kanilang produkto.

“Napakahalaga ng memong ito at mga datos na maiibigay nito sa mga consumer lalo pa at nagsimula na namang sumirit ang presyo ng langis,” ayon sa mambabatas lalo na’t marami ang nagdududa na overprice ang presyo ng langis sa Pilipinas.

Nabatid na isang taon nang hinihingi ng militanteng mambabatas sa DOE ang nasabing memo at nangako naman umano ang ahensya na susunod sila subalit hanggang ngayon ay hindi pa inilalabas.

Layon ng memo na malaman ng consumers ang datos sa presyuhan ng langis mula sa pag-i-import ng mga kumpanya ng langis, gastos sa freight, land transportation, additives at lahat ng proseso na nagdadagdag ng presyo ng mga produkto.

Mahalaga aniya ang nasabing datos lalo na’t sunod-sunod na naman ang malalaking oil price increase sa bansa na sinasabayan pa ng gobyerno dahil sa ipinatupad na second tranche ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kung saan P2 ang ipinatong sa bawat litro ng mga diesel at gasolina habang P1 naman sa bawat kilo ng liquified petroleum gas (LPG).

“We are demanding that the DOE do its job to protect the interest of consumers. It should immediately its oil price unbundling memo and we will see if indeed the oil companies have long been fooling the Filipino people” ayon pa sa mambabatas.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment