KONTRATA NG MANILA WATER, MAYNILAD, REREBISAHIN 

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

IREREKOMENDA ni Senador Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na rebisahin ang kontrata ng Manila Water Co. Inc. at Maynilad Water Services Inc. sa gitna ng panibagong rotational service interruptions.

“Yes, dapat ipa-review ng Pangulo. I will suggest to the President na i-review ‘yung kontrata na hindi po pabor sa taumbayan,” saad ni Go.

“Dapat ‘pag pumasok ka sa kontratang ‘yan ay dapat panindigan niyo ‘yung supply ng tubig, pati ‘yung babayaran, penalties. Do not pass the burden to the public,” dagdag pa nito.

Iginiit ni Go na dapat mayroong malinaw na plano ang mga kumpanyang ito sa tuwing magkakaroon ng kakapusan ng suplay.

“Pumasok po kayo diyan sa negosyong ‘yan, sagutin niyo po. Huwag po kayong pumirma ng kontrata na hindi niyo kayang i-comply ‘yung pagsu-supply ng tubig,” dagdag ng senador.

Una rito, kinuwestyon ni Senador Imee Marcos ang comprehensive masterplan ng dalawang kumpanya na dapat anyang ilatag sa publiko.

Balak din ni Marcos na ipatawag ang Maynilad at Manila Water sa senado upang pagpaliwanagin sa water crisis.

154

Related posts

Leave a Comment