LALAKING GUMAGAMIT NG ‘SEX DRUGS’ BINALAAN NG FDA

sex drugs

(NI JESSE KABEL)

NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga kalalakihan na mahilig magpatigas gamit ang mga sexual enhancement drugs.

Naglabas ng babala ang FDA hinggil sa  paggamit at pagbebenta ng mga hindi rehistradong sexual enhancement drugs na umano’y napatunayan nang naging sanhi ng ilang kamatayan sa hanay ng mga kalalakihan.

Binigay na halimbawa ng FDA ang mga produktong gawa ng China gaya ng Toro, Impeous Man, Chinese Viagra, Maximum Sexual King pills na ayon sa FDA ay walang certificate of product registration.

Ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno, nilabag ng nasabing produkto ang nakasaad sa Republic Act No. 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009) na nagbabawal sa paggawa, importasyon, pagbebenta at promosyon ng gamot gaya ng  Maximum Sexual King pills nang walang otorisasyon mula sa kanilang tanggapan.

Nabatid pa na laganap ang promotion ng nasabing gamot sa social media na kumpleto pa ng instruction kung paano ito iinumin o gagamitin

Hindi rin nakatitiyak ang publiko sa kaligtasan at kalidad ng nasabing gamot dahil hindi ito dumaan sa kanilang pagsusuri.

Hiniling na rin ng FDA sa Bureau of Customs na pigilan ang pagpasok sa bansa ng naturang produkto.

153

Related posts

Leave a Comment