LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA FARMERS, MANGINGISDA

farmers12

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG mayroong dapat buhusan ang Land Bank of the Philippines (LBP) ng malaking porsiyento ng kanilang pautang ay ang mga magsasaka at mangingisda upang mapaunlad ang sektor na ito na mahalaga sa ekonomiya ng bansa.

Ito ang iginiit ni 1PACMAN party-list Rep. Mikee Romero sa kanyang House Bill (HB) 183, matapos matuklasan na 45.4% lamang sa kanilang pautang noong 2017 ang napunta lang sa magsasaka at mangingisda gayung ang nabanggit na sektor ang dahilan kung bakit naitatag ang nasabing bangko.

“It seems the universal banking and government depositary bank roles of Landbank have distracted it from its true mission of serving the farming and fishing sectors,” ani Romero.

Nais ng mambabatas na itaas ng Landbank sa 60% sa kanilang pautang sa mga magsasaka at mangingisda upang umangat o umunlad ang nasabing sektor.

Nabatid na noong 2017 umabot sa P674.5  Billion ang naipautang ng Land Bank subalit 45.4% lang umano dito ang kanilang naipautang sa magsasaka at mga mangingisda.

Lumalabas aniya na mas malaki ang naipautang ng Land Bank sa ibang sektor gayong ang kanilang misyon ay tulungan ang agricultural business sa bansa.

Sinabi ng mambabatas na nakikipag-kompitensya ang Landbank sa mga commercial banks tulad ng Metrobank, BPI, Banco de Oro at Philippine National Bank (PNB) sa mga non-agricultural sector, gayung ang kanilang trabaho ang tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa.

Trabaho umano ng  Development Bank of the Philippines ang magpautang sa mga non-farm at non-fishing sector subalit  ginagawa ito ng Landbank kaya napapabayaan ang sektor ng pagsasaka at pangingisda sa bansa.

“Landbank should let the Development Bank of the Philippines take on its non-farm and non-fishing sector financing roles, so it can focus on serving farmers and fisherfolk,”ani Romero.

Kailangan ipokus aniya ng Landbank ang kanilang atensyon sa kanilang orihinal na misyon lalo na’t kailangan na kailangan ngayon ng mga mangingisda at magsasaka ang tulong mula sa gobyerno.

411

Related posts

Leave a Comment