LEAKAGE NG IMPORMASYON MULA SA EXECUTIVE SESSION NG SENADO, IIMBESTIGAHAN NG ETHICS COMMITTEE

KINUMPIRMA ni Senate Committee on Ethics and Privileges chairperson Nancy Binay na ikoconvene nila ang kumite upang talakayin ang atas ni Senate President Juan Miguel Zubiri na imbestigahan ang sinasabing leakage ng impormasyon mula sa kanilang isinasagawang all senators caucus noong Lunes, November 6.

Kasunod ito ng pag-alma ng mga senador sa lumabas na artikulo kaugnay sa walo hanggang siyam na senador na naggigiit na ibalik ang confidential fund ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte at ng Department of Education.

Ipinaliwanag ng kumite na alinsunod sa Section 126 ng Rules of the Senate, ang executive session ng Senado ay isinasagawa nang closed door at tanging ang Senate Secretary, Sergeant-at-Arms, at mga taong awtorisado lamang ang papayagang dumalo.

Nakasaad naman sa Section 128, pinagbabawalan ang sinuman na ilabas ang mga napag-usapan sa executive session na itinuturing na confidential.

Sinabi ni Binay na upang makakalap ng mga dagdag impormasyon sa leakage ay ilulunsad nila ang imbestigasyon na naglalayong protektahan ang integridad at reputasyon ng Senado.

Subalit hindi na magbibigay ng karagdagan pang impormasyon ang kumite para sa confidentiality ng paglilitis.

(Dang Samson-Garcia)

155

Related posts

Leave a Comment