(NI MINA DIAZ)
PINALAGAN ng libu-libong mga estudyante ang planong pagpapasara sa sangay ng Polytechnic University of the Philippines (PUP).
Napag-alaman na itinigil na ang pagtanggap ng mga aplikante sa PUP Parañaque upang tuluyan na itong maisara.
Inaasahan sana ang mas malaki pang bilang ng enrollees ngayong taon ngunit naka-hold umano ang mga application.
Unang lumagda ang pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa pamunuan ng PUP para sa unang 12-taong kontrata sa pagtatayo ng pamantasan sa siyudad at ang mga kursong ibubukas ay may kinalaman sa information technology at hotel and restaurant management noong 2003.
Nasa kontrata na kailangang palawigin ang mga kurso gaya ng medicine, nursing, education, engineering at iba pa.
Sa lingguhang forum ng National Press Club, sinabi ni dating Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr., na malaking tulong sa mga kabataan sa lungsod ang makapagtapos nang libre at makapagtrabaho lalo na at nasa lungsod ang mga malalaking hotel at restoran sa siyudad.
Naniniwala rin si Bernabe na conflict of interest ang nangingibabaw sa planong pagsasara ng unibersidad.
157