MEGAN YOUNG OUT NA SA MARAWI MOVIE!

SAKSI AKO copy(NI KC GUERRERO)

NAGIGING  controversial itong Marawi indie film ng Spring Films nina Bb. Joyce Bernal at Piolo Pascual.

Pagkatapos mag-resign ng director na si Sheron Dayoc at in-annouce na ipagpapatuloy ang filming ng  Children Of The Lake (titulo ng film about the Marawi siege), heto at may bagong development:

Ang isa sa mga stars ng pelikula, si 2013 Miss World  Megan Young, ay nag-backout sa project.

Gusto kasi ni Direk Joyce ang makatotohanang mga eksena. Kaya dapat ang  character ni Megay ay tunay na kalbo sa mga eksena. Hindi prosthetics.

Kaya minabuti ng lover ni Mikael Daez na umurong na sa pelikula. May mga natanguang projects si Megan na kailangan pa ang kanyang long hair.

Sa panahon ng FX at digital,  kailangan pa ba ng reyalismo? Nagtatanong lang po.

BOMBA AT PENE FILMS: PANTAPAT NG PINAS SA HOLLYWOOD!

Lahat yata na sinehan sa Pilipinas ang palabas ay Avengers: Endgame. 900 theaters sa first day of showing nito. More than P200 million ang kinita sa unang araw. Blockbuster na sa local film ang P260 million sa entire showing nito. So, three days or one week of showing nito ay lampaso na ang all-time moneymaker ng ‘Pinas na The Hows Of Us ng KathNiel.

Ibang klase ang Hollywood films. Years ang preparation ng promo.

Asa pa ang local films at indie films?

May kikita paminsan-minsan — Ang Babae Sa Septic Tank at Kita Kita. Madalang pa sa patak ng ulan.

Ibalik na lang ang mga bold films. Ang indie films ng 70s pati ang porn films ng 80s and 90s.

‘Yun ang pantapat natin sa mga Hollywood films.

MR GAY WORLD

Noong 2017 ay napanalunan ni John Raspado ang crown na Mr. Gay World (ginanap sa Spain). First time para sa Pilipinas.

This year, si Mr. Gay World Philippines Jeffrey Janjep Carlos ang representative natin sa 2019 Mr. Gay World na gaganapin  sa Cape Town, South Africa from 28 April to 4 May.

Hinulaan ni Wilbert Tolentino, successful entrepreneur at LGBTQ influencer. na maiuuwi na ng Pinas ang korona this year.

Kung nahulaan ni Wilbert through his FB post ang naganap na lindol last week, very confident siya sa feeling niya na pagwawagian ni Janjep ang second crown ng Philippines.

“Si Janjep ay total package. Catriona Gray siya ng Mr. Gay World,” pagmamalaki  ni Wilbert na siyang may hawak ng franchise ng  local Mr. Gay World Philippines at sa kanyang Fahrenheit ginanap last end of March ang pageant.

Sa one-on-one namin kay Janjep, may pagka-Catriona nga siyang sumagot.

Active din siya sa kanyang advocacy for mental wellness. Ilang bansa ba ang napuntahan ni Janjep para dalubhasain ang sarili sa mga may kapansanan sa pag-iisip?

Illness to wellnes ang hashtag ni Mr. Gay World Philippines Janjep.

98

Related posts

Leave a Comment