LOCSIN UMAPELA SA PINOY WORKERS SA LIBYA

dfalocsin12

(NI MAC CABREROS)

“PLEASE go to the embassy, I beg you,” apela Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa kababayan sa Libya na patuloy na nagmamatigas na huwag umuwi ng bansa dahil sa kawalan ng trabaho.

Ginawa ito ni Locsin base na rin sa rekomendasyon ni Ambassador Elmer Cato bunsod nang patuloy na bakbakan ng magkalabang puwersa sa nasabing bansa.

Partikular na pinalilikas ni Locsin sa lalong madaling panahon ang 60 manggagawa, sampu ng kanilang kapamilya na nasa Ali Omar Ashkr Hospital sa Esbea.

“The area is no longer safe. Please don’t want for more artillery rounds to fall. Please move to the Embassy now,” abiso Cato.

Binanggit ni Cato na patuloy na ginagawa ng mga OFW ang kanilang trabaho sa Libya sa gitna ng tensiyon dahil rason ng mga ito na walang mangyayari sa kanilang buhay dito sa Pilipinas.

Hiniling din Locsin ang kababayan na may kapamilya sa Libya na pakiusapan agad bumalik sa bansa kapag may pagkakataon.

Naiulat na 32 OFW pa lamang ang nakauwi sa Pilipinas simula nang sumiklab ang giyera sa nabanggit na bansa mula sa higit 1,000 manggagawa roon.

Ipagpapatuloy ng gobyerno ang voluntary evacuation ng OFW sa Libya.

189

Related posts

Leave a Comment