MOIRA, SABLAY BILANG JUDGE SA ‘IDOL PHILIPPINES’

moira123

I SAY(NI RK VILLACORTA)

SA  second week ng “Idol Philippines” ng Kapa­milya Network, pansin na lumalaylay ang show kapag si Moira na ang nagbibigay ng kanyang opinyon sa contestant.

Sina Regine Velasquez at Vice Ganda, both are doing their job as judges at may mapupulot ka sa kanilang puna at opinyon. Si James Reid oks lang. Cute siya na pansahog. Pero itong si Moira, waley.

Hindi lang ako ang nakapuna kundi ang mga social media followers ko sa Facebook, Twitter at Instragram (@rkvillacorta). Iisa ang opinyon: Nakakaantok kapag si Moira na ang nagsasalita.

Sa katunayan, mas maga­ling pa sa kanya ang ex-girlfriend ni Charice Pempengco na si Alyssa Quijano sa interpretation niya ng isang Regine Velasquez classic na “Araw Gabi.” She sings better than Moira.

Nganga si Moira. Mali ang pagkasama niya sa show. Wala nga siyang matinong opinyon. Diyos ko dai, wala na bang pwedeng maging judge sa show na may Big K? Andyan nama sina Zsa Zsa Padilla, Lani Misalucha or Dulce at mga kaliga nila. Ayaw ko ng sipol lang at hangin ang maririnig ko. You don’t call it talent in singing.

Sa ibang Idol shows sa ibang bansa, ang mga judges nila, alam mong may pinagmulan at maipagmamalaki mo. Straight to the point, I never liked her talent. Period.

93

Related posts

Leave a Comment