HINILING ng minorya sa mababang kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilibre na rin ang pasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR).
Ito ay matapos magdesisyon si Duterte na wala nang babayarang pamasahe ang mga commuter ng Metro Rail Transit (MRT) sa EDSA.
“I reiterate my suggestion that the LRTA and PNR give their passengers free rides even if only for a limited period,” ayon kay Rep. Natasha Co.
Base sa direktiba ng Pangulo, mula Marso 28 ay hindi na magbabayad ng pamasahe ang mga commuter ng MRT 3 sa kahabaan ng EDSA hanggang Abril 30, 2022.
Ang desisyon ng Pangulo ay bilang tulong umano sa commuters sa gitna ng tumataas na presyo ng langis bukod sa tulong na P200 kada buwan sa bawat pamilya na gusto nitong itaas ng P500.
“These measures could also convince motorists to keep their cars at home on some days so they could save on gasoline or diesel. There would be less traffic congestion as a result,” ayon pa sa lady solon. (BERNARD TAGUINOD)
