(NI ABBY MENDOZA)
ILAN pang lugar sa Central Luzon ang inilagay na rin ng Department of Agriculture (DA) sa quarantine dahil sa posibilidad ng pagkakaroon ng African Swine Flu(ASF).
Hindi naman sinabi pa ni Agriculture Secretary William Dar ang nasabing mga lugar maliban sa pagsasabing nasa Central Luzon ang mga ito.
Matatandaan na ang Rizal at Guiguinto sa Bulacan ang dalawang lugar na nagpositibo sa ASF.
“Nadagdagan pa po ‘yung mga lugar na under quarantine pero hindi muna namin puwedeng sabihin kung saan,” giit ni Dar.
Sa ngayon ay nagpapatupad ang DA ng ‘1-7-10’ protocol kung saan naglagay ng quarantine checkpoints 1 kilometer radius sa mga apektadong farm para imonitor ang galaw ng baboy
“Within a 7-kilometer radius, authorities surveil and limit animal movement.Farm owners within the 10-kilometer radius were mandated to report any disease to the DA,” paliwanag ni Dar ukol sa 1-7-10 protocol.
Umapela rin ang DA sa mga hog raisers na huwag itago ang kalagayan ng mga alagang baboy at agad na ireport kung may sintomas ng sakit ang mga alaga.
Kailangan umano na ang mga may sintomas ng ASF ay agad na ibaon sa lupa upang hindi kumalat ang sakit.
“We will use both convincing and compulsory powers” to compel affected hog raisers to surrender their pigs suspected with disease for culling. Kung hindi sila papayag ay isasama natin ang mga pulis para wala silang magawa dahil kailangan na kunkn at kolektahin namin ang mga may sakit na baboy,” pagtatapos pa ni Dar.
139