(NI NOEL ABUEL)
NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang isang senador sa paglobo ng bilang ng mga malnourished na bata sa buong bansa.
Sinabi ni Senador Leila de Lima na hindi dapat ipagwalang-bahala ang pagdami ng hindi malusog na mga batang Pilipino na isinisisi sa kabiguang magpatupad ng mga sistema sa tamang pagkain.
Tugon ito ni Si De Lima, pinuno ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, sa pahayag ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) laban sa pagtaas ng hindi malusog na mga batang Filipino at kabataan.
“Nakasalalay sa pamahalaan na itaguyod ang kamalayan sa kalusugan at tamang nutrisyon sa mga Filipino, lalo na ang mga kabataan, upang maprotektahan sila mula sa pagbuo ng mga nakasisirang kalagayan sa kalusugan sa katagalan at tiyakin ang isang kalidad na paraan ng pamumuhay para sa kanila,” paliwanag ng senador.
“The State should also ensure that healthy food options are available in the market and are accessible for everyone, especially the poor, by encouraging business establishments to sell healthier yet affordable food to consumers, among others,” dagdag pa nito.
Nabatid na base sa ulat ng UNICEF na isa sa bawat tatlong batang Pinoy na may edad 5-anyos ay hindi naaayon tama sa taas nito habang 7 porsiyento naman ay nangangayayat na isinisisi dahil sa kawalan ng sapat na nutrisyon sa katawan maliban pa sa nagkakasakit.
At upang matulungan ang mga ito ay umapela ito sa kapwa senador na suportahan ang inihain nitong Senate Bill no. 854 na naglalayong obligahin ang mga restaurants at fastfood chains na sabihin ang calorie content at nutritional information sa kanilang menu.
443