NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na mas mabagsik na labanan sa droga ang asahan sa bansa matapos makumpirmang nagsasagawa na ng illegal na aktibidad ang mga bigtime international drug cartels sa bansa.
Kinumpirma ng Pangulo na ang mga naglulutangang cocaine sa iba’t ibang karagatan sa bansa ay mula umano sa mga drug cartel tulad ng Sinalo at Medelline na nakagawa na ng koneksiyon sa counterparts nila sa bansa.
Ang cocaine umano ay galing sa Mexico, ayon pa sa Pangulo.
Ang Sinaloa drug cartel ay isang big-time drug syndicate sa Mexico habang ang Medellin cartel ay Colombian syndicate na itinatag ng drug lord na si Pablo Escobar.
Ilang bloke ng cocaine na tinataya sa halos P500 milyon ang nabawi sa mga kargatan ng Camarines Norte, Siargao, Dinagat islands, at Quezon province.
151