Masarap na buhay, puputulin BATO, INOBLIGANG MAG-REPORT SA SENADO

INATASAN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na dumalo sa kanilang sesyon sa Lunes makaraang mag-viral sa social media ang kanyang komento na masarap ang kanilang buhay sa hybrid session.

Sa pagtatapos ng sesyon noong Martes, nadinig pa sa live streaming ng Senado ang pahayag ni Dela Rosa na umani ng batikos sa netizens dahil sa pagiging insensitive umano ng mambabatas.

“Sarap buhay, sarap ng buhay, ganito na lang tayo palagi ah,” komento ni Dela Rosa.

Sa kalagitnaan naman ng sesyon nitong Miyerkoles, pabirong naglabas ng kautusan si Sotto para sa pagdalo ni Dela Rosa sa kanilang sesyon sa Lunes.

“There is directive that is being ordered by Senator (Ping) Lacson, (Francis) Tolentino, (Win) Gatchalian and myself, we are hereby directing Senator Dela Rosa to attend the session on Monday physically because he is becoming very popular in social media,” saad ni Sotto.

Sinegundahan naman ito ni Senate Majority Leader Migz Zubiri ng mga katagang “Tama yun, Mr. President para ‘yung statement niya pagkatapos mahirap na ang buhay kasi hanggang alas-10 na siya diyan sa Senado.”

Sa virtual interview ng Senate Media kay Sotto, inamin nito na hindi niya makontrol ang pahayag ng mga kasama sa sandaling matapos na ang kanilang sesyon kahit naka-live stream pa rin sila.

“Ang problema kasi sa akin, once sinuspend ko or inadjourn ko ang session they are already beyond my control, I can’t tell them na wag ganito wag ganyan,” pahayag ni Sotto.

Gayunman, may kautusan na si Sotto sa mga tauhan nito na sa sandaling suspendihin na niya ang sesyon ay dapat awtomatiko na ring papatayin ang live stream ng Senado. DANG SAMSON-GARCIA

214

Related posts

Leave a Comment