MATERYALES NG CLARK AIRPORT SUBSTANDARD?

clark121

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAGAMA’T  walang planong magpatawag ng pormal na imbestigasyon ang isang minority leader sa Kamara, kokonsulta pa rin ang mga ito ng mga eksperto para malaman kung ano ang pangunahing dahilan bakit nasira ang Clark International Airport sa magnitude 6.1 na lindol noong Lunes ng hapon.

Ayon kay House deputy minority leader Harlin Neil Abayon III, ikinagulat nito na kasama ang Clark International Airport sa nasira ng lindol gayung dapat earthquake-resilient ito.

“Airports are supposed to be earthquake-resilient, so it comes as a shock that the airport at Clark got damaged so easily,” ani Abayon matapos bumagsak ang kisame ng paliparan na naging dahilan ng pagtigil ng operasyon.

Dahil dito,  libu-libung pasahero ang naapektuhan dahil mahigit 100 flights ang nakansela.

Hindi aniya dapat palagpasin ang bagay na ito kaya dapat umanong alamin ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) Clark Development Corporation, at maging ang pamunuan ng Clark International Airport kung bakit ito nangyari.

Pero, ayon sa mambabatas, kokonsulta umano ang mga ito ng third party civil engineers at mga contractor para alamin kung bakit nangyari ito sa Clark International Airport.

“Saang banda maaaring nagkamali? Is it normal na ma-damage ang isang airport sanhi ng 6.1 magnitude na lindol? Di ba dapat quake-resilient ang isang international airport? Substandard ba ang mga ginamit na materyales sa Clark?,” ani Abayon kaya kokonsultahin ang mga eksperto.

181

Related posts

Leave a Comment