MAYOR NG EASTERN SAMAR SINUSPINDE NG OMBUDSMAN

ombudsman1

(NI JEDI PIA REYES)

NAHAHARAP ngayon sa anim na buwang suspensyon ang alkalde sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng pondo para sa rehabilitasyon ng naging pinsala ng super typhoon Yolanda nuong 2013.

Sa kautusan na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires, ipinasasailalim sa preventive suspension si Mayor Christopher Sheen Gonzales makaraang may makitang batayan mula sa mga dokumentong isinumite ng Visayas field investigation bureau.

Ipinasususpinde rin ng kalahating taon ang municipal accountant na si Adrian Bernardo, municipal treasurer Felicisima Bernardo, Bids and Awards Committee (BAC) chair at municipal engineer Arsenio Salamida, BAC vice chair Esperanza Cortin, at ang BAC members na sina Danilo Colandog, Gilberto Labicante, Ma. Nenita Ecleo, Felipe Padual at Zosimo Macabasag.

Batay sa premilinary investigation ng Ombudsman, lumalabas na guilty ang mga nabanggit sa grave misconduct at gross neglect of duty.

Nag-ugat ang reklamo sa mga rehabilitation project na ini-award sa dalawang contractor na Labasbas Construction at EDG Americas.

Ipinunto ng Ombudsman na walang malinaw na dokumentong magpapatunay na ang mga nanalong contractor ay mayroong technical, legal at financial competence para isagawa ang pagkukumpuni ng municipal hall, palengke at 89 barangay facilities sa Guiuan.

Sinabi pa ng Ombudsman na natukoy din ang ginawang pagbabago ng kumpanyang EDG Americas kumpara sa naaprubahang plano.

178

Related posts

Leave a Comment