MGA PARI ‘DI DAPAT MATAKOT SA DUTERTE ADMIN — PALASYO

pari22

(NI BETH JULIAN)

WALANG dapat ikatakot ang mga pari sa kasalukuyang administrasyon dahil kaisa nila ito sa paglaban sa kasamaan sa lipunan.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, sa layong payapain ang kalooban ng mga taga Simbahang Katoliko.

Ayon kay Panelo, ang dapat na matakot ay ang mga kriminal, corrupt, drug lord at mga terorista.

Binigyan-diin ni Panelo na hinding hindi papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na masaktan ang mga taga simbahan.

Ipinaliwanag ni Panelo na ang mga sinasabi nito sa mga pari ay pawang mga figure of speech lamang at kadalasan ay mga biro lamang.

Sinabi ni Panelo na posibleng ang mga banta sa mga pari ay mula sa mga anti-Duterte trolls o mga personal nilang kaaway.

Ayon pa kay Panelo, malinaw na ginagamit lamang ng mga oposisyon ang isyu para sirain ang popularidad ng Pangulo.

85

Related posts

Leave a Comment