MGA BEBOT UMAALMA KAY DIGONG

women

(NI BERNARD TAGUINOD)

PUNUMPUNO na ang  grupo ng mga kababaihan kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil imbes na protektahan ang karapatan ng mga babae lalo na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay kabaliktaran ang ginagawa nito.

Ayon kina Gabriela party-list group na kinakatawan nina Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, panahon na para palagan ng mga kababaihan ang Pangulo kung saan hinimok ng mga ito ang mga OFWs sa iba’t ibang panig ng mundo na magprotesta na.

Ginawa ng mga nabanggit na mambabatas ang pahayag matapos sabihin ni Duterte na ang bahagi ng teritoryo at kultura ng ibang bansa ang rape sa hanay ng mga OFWs.

“This also dangerously makes Pinay OFWs open targets of abuse and sexual violence,” ayon kina De Jesus at Brosas dahil mistulang inaayunan pa umano ng Pangulo ang pang-aabusong sekswal sa ating mga kababayan.

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa sa international community na kilalang nakikipaglaban para makait ng mga kababaihan na biktima ng pang-aabuso ng kanilang mga employer, ang katarungan.

Nagbabala rin ang grupo sa Malacanang lalo na kay Presidential Spokesman Salvador Panelo na posibleng ituring na naman aniyang bahagi ito ng joke o biro ng Pangulo dahil hindi ito katanggap-tanggap.

270

Related posts

Leave a Comment