MRT-3 NAGKA-ABERYA, PASAHERO PINABABA

mrt

(NI KEVIN COLLANTES)

MAY 75 pasahero ang pinababa ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 mula sa isang tren nila na dumanas ng aberya sa area ng Quezon City Linggo ng umaga.

Sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na dakong alas-6:27 ng umaga nang dumanas ng electrical failure ang southbound train sa Kamuning Station.

Sinabi ng DOTr na ang naturang service disruption ay dulot ng mga “worn out electrical sub-components” ng tren, gaya ng insulator, regulator, at main chopper.

“A Southbound (SB) train unloaded at Kamuning station due to electrical failure in our motor at 6:27AM today (Sunday),” tweet ng DOTr. “The whole train was unloaded, with approximately 75 passengers.”

Makalipas lamang naman ang dalawang minuto ay naisakay sa kasunod na tren ang mga pinababang pasahero para maihatid sa kani-kanilang destinasyon.

Kaagad rin namang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa kanilang mga pasahero dahil sa nangyaring aberya.

Tiniyak nito na patuloy silang gumagawa ng mga hakbang upang mapahusay pa ang kanilang serbisyo, kabilang dito ang nakatakda nang pagsailalim sa rehabilitasyon ng buong linya ng MRT-3 ngayong  buwan.  Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), mula North Avenue, Quezon City hanggang sa Taft Avenue, Pasay City. at pabalik.

 

5

Related posts

Leave a Comment