(NI DANG SAMSON-GARCIA)
ISINUSULONG ni Senador Sonny Angara ang panukala na mag-aamyenda sa Land Transportation and Traffic Code upang maging ligal na ang mga motorcycle for hire .
Layun ng Senate Bill 1025 ni Angara na payagan at ma-regulate ang paggamit ng mga motosiklo bilang public utility vehicles.
Sa kanyang explanatory note, sinabi ni Angara na sa ngayon ay pinapayagan lamang sa batas ang mga motorsiklo para sa private at government use at hindi maaaring pampasahero.
Gayunman, marami na rin ang tumatangkilik sa mga motorsiklo bilang public transport.
“Motorcycles-for-hire or habal-habal have been long used, even becoming a primary mode of public transportation in the provinces. Without mandatory specifications for safety, these motorcycles are modified to accommodate up to 11 passengers which undoubtedly endanger not only passengers, but also other motorists and pedestrians on the road,” saad ni Angara.
Katunayan anya maging ang mga transport network vehicle service (TNVS) companies ay nag-aalok na rin ng motorcycle-for-hire service bilang alternatibong ride-sharing schemes.
Dahil din anya sa lumalalang pagsisikip ng daloy ng trapiko, parami na nang parami ang gumagamit ng motorsiklo upang makarating sa kanilang destinasyon sa oras.
“In recognition of this growing public need, this measure legalizes the use of motorcycles-for-hire by amending the Land Transportation and Traffic Code to finally permit public utility motorcycles,” diin ni Angara.
Nakasaad sa panukala na ang LTO ang may kapangyarihan na tukuyin ang road worthiness ng mga motorsiklo na papayagang bumiyahe.
Dapat ding tiyakin ng LTO ang regular na training sa mga driver ng mga motorcycle for hire upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
128