TINANGGIHAN ng Sandiganbayan ang apela ng grupo ni Janet Lim Napoles na manatili sa kanyang detention cell sa Camp Bagong Diwa, Quezon City at iginiit na ilipat na ito sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Hindi pinayagan ni First Division chair Associate Justice Efren dela Cruz ang motion for reconsideration ng kampo ni Napoles na manatili ito sa Camp Bagong Diwa. Gayunman, sinabi ng kampo ni Napoles na hindi ito ligtas sa CIW.
Noong December 28 pa iniutos ng Sandiganbayan na ilipat si Napoles sa koreksiyunal subalit kinontra ito ng grupo ni Napoles, umano’y mastermind sa multi-billion peso pork barrel scam, dahil hindi umano dapat lumagda sa kautusan si Associate Justice Edgrado Caldona dahil hindi ito ang chairperson.
Gayunman, sinabi ni dela Cruz na maaari itong gawin lalo pa’t naka official leave ang chairperson at senior member na unang lumagda sa kautusan.
233