NATIONAL ID TULONG SA PAGBANGON NG EKONOMIYA

TIWALA si Senador Panfilo Lacson na bibilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa kung ganap na maipatutupad ang Philippine Identification System (PhilSys) Act o ang National ID.

Ito ang sinabi Lacson, isa sa mga may-akda at ang sponsor sa Senado ng naturang batas, na ngayon ay nasa inisyal na bahagi na ng pagpapatupad.

“The lack of identification creates formidable barriers for the downtrodden and the poor, and creates even larger barriers between the government and the people. Hence, we should push for the implementation of the National ID if we want to further strengthen our response not only against the pandemic, particularly in the roll-out of the much-awaited vaccines, but in many of our future endeavors,” paliwanag ni Lacson sa kanyang pagsasalita sa pangatlong taunang economic and political briefing ng Colegio de San Juan de Letran Graduate School.

Ang ganap na implementasyon ng nabanggit na batas ay itinulak ni Lacson matapos bumulaga ang 9.5 porsiyentong pagbulusok ng ekonomiya ng Pilipinas nitong 2020 bunga ng pananalasa ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa mambabatas, mapabibilis ng National ID ang pakikipagtransaksiyon ng publiko sa mga ahensiya ng pamahalaan at masisinop din ng gobyerno sa pamamagitan nito ang lahat ng aspeto ng usaping pananalapi para magamit sa pag-ayuda sa ekonomiya.

Aniya, ang dalawang ito ay nararapat na agad magawa sa ilalim ng kasalukuyang kondisyon ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Lacson, susi sa matagumpay na vaccination program ang National ID dahil mapabibilis nito ang proseso hanggang sa marating ng bansa ang tinatawag na herd immunity.

“Once we have that herd immunity, where about 75 to 80 percent of the population are vaccinated, we can move around, go on and resume our economic activities,” ayon kay Lacson.

Binanggit din ng senador na kung naging mabilis at maagap ang implementasyon ng National ID noon pa, hindi sana nagkaroon ng matinding kalituhan sa pamimigay ng ayuda ang gobyerno sa mga nangangailangan noong mga unang buwan ng pandemya.

Ayon pa sa mambabatas, ang pagkakaantala ng pagbibigay ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga nangangailangan ay nakasama sa ekonomiya.

“It imperils the generation of employment and resumption of economic activities in the ‘new normal,'” banggit ni Lacson.

Sa ganap ng pagpapatupad ng National ID System, tinitiyak din ni Lacson na hindi malalagay sa alanganin ang pribadong buhay ng isang indibiduwal dahil ang mga mga impormasyong kukunin sa mga ito ay pawang mga basic data lamang.

Patuloy rin aniya ang ginagawang pagsasaayos pa ng pamahalaan upang higit na maging ligtas sa publiko ang pagpapatupad ng naturang batas.

“The National Economic and Development Authority and the Philippine Statistics Authority are continuously trying to innovate to ensure the security of the implementation of the National ID system,” ayon pa kay Lacson. (NOEL ABUEL)

106

Related posts

Leave a Comment