BUILDING CODE, ISASAMA SA CURRICULUM NG ENGG COURSES

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang panukala na isama sa curriculum ng Engineering courses ang National Building Code of the Philippines at maging isa rin sa topic sa licensure examinations.

Sa Senate Bill 1154, nais ni Lapid na ituro sa Bachelor of Science Degree Programs sa Civil Engineering, Mechanical Engineering, Electrical Engineering, Sanitary Engineering, Electronics Engineering at Architecture ang Republic Act 6541.

Ipinaliwanag ni Lapid na layon ng batas na magkaroon ng framework ng minimum standards at requirements para sa lahat ng gusali at istruktura sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay, regulasyon at kontrol sa lokasyon, pagtatayo, disenyo, kalidad ng materyales, konstruksyon at maintenace sa mga gusali.

Kasama rito ang environment, utilities, fixtures, equipment, at mechanical electrical, at iba pang systems and installations.

Dahil dito, dapat anyang gawing major subject engineering at architecture courses ang batas upang alam na agad ng mga estudyante ang standards.

Alinsunod sa panukala, babalangkas ang Commission on Higher Education (CHED) ng curriculum para sa pag-aaral ng National Building Code of the Philippines (NBCP) habang mandato ng Professional Regulation Commission na gumawa ng mga tanong sa licensure examinations hinggil dito.

Ipinaalala sa  panukala na polisiya ng estado na pangalagaan ang buhay, kalusugan at ari-arian ng publiko at maipromote ang public welfare, alinsunod sa principles of sound environmental management.

Mandato rin anya ng estado na tiyakin na lahat ng nasa engineering at architecture professions ay may formal instructions sa mga latest know-how sa regulations at technologies na may kinalaman sa kaligtasan at integridad ng mga istruktura.

 

240

Related posts

Leave a Comment