NO NAMFREL? NO PROBLEM — COMELEC SPOX

james

(NI HARVEY PEREZ)

SA kabila nang pagtanggi ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel), patuloy ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) sa idaraos nilang random manual audit (RMA) sa local elections sa Mayo13.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez wala naman problema kahit pa tinanggihan  ng Namfrel ang tungkulin bilang citizen’s arm nila sa nalalapit na halalan.

Ipinaliwanag ni Jimenez na ang Namfrel ay isa lamang sa 10 grupo na bumubuo ng koalisyon para sa RMA, kaya matutuloy ang proseso kahit wala ang Namfrel.

“Hindi tutumba yung proseso just because someone decided they don’t want to play anymore,” ayon kay Jimenez.

Matatandaan na  binigyan ng Comelec ng akreditasyon ang Namfrel bilang lead convenor para sa RMA.

Tinanggihan ng Namfrel ang  tungkulin nang hindi pagbigyan ng Comelec ang kanilang hiling na access sa impormasyon at data sa halalan.

Malaki naman ang paniniwala ng Comelec na makahahanap ng kapalit ng Namfrel bago ang halalan sa Lunes.

305

Related posts

Leave a Comment