OFW SA KUWAIT NANALO NG HOUSE AND LOT

ISANG Overseas Filipino Worker (OFW) na naputol ang kontrata sa Kuwait noong August 2020 dahil sa COVID-19 pandemic ang nagwagi ng Lessandra House and Lot, ang grand prize sa idinaos na 10th OFW and Family Summit.

“This is a beautiful Christmas gift. We pray for this,” ayon kay Rodrigo Pido kasabay ng pasasalamat niya kina Senator Cynthia Villar at mga miyembro ng pamilya nito na sina dating Sen. Manny Villar, dating DPWH Sec. Mark Villar, House Deputy Speaker Congw. Camille Villar at Vista Land President Paolo Villar.

Sinabi ni Pido, residente ng Pasig City, na malaking tulong ang summit sa OFWs at kanilang mga pamilya. Mahigit sa 5,000 OFWs na nagmula sa iba’t ibang bansa ang lumahok sa summit sa taong ito.

“Thank you po sa inyo, sa pamilya Villar! Maraming Salamat po sa Villar SIPAG,” sabi ng masayang si Pido na iginiit ang lubos na kagalakan nang manalo ng grand prize mula sa Vista Land Holdings.

Dahil sa global health crisis, sinabi ni Pido na may apat na anak, na tinapos ng kanyang amo ang kanyang kontrata kung saan nagtatrabaho siya na coordinator ng ground equipment sa isang airport.

Matapos mabunot ni Sen. Villar ang pangalan ni Pido, sinabihan niya ito na isa ring OFW ang ‘first buyer’ ng bahay na ibinebenta nila ng asawa na si ex-Sen. Manny. “Fifty percent of our buyers are OFWs,” dagdag pa niya.

Nanalo rin ang mga lumahok sa summit ng appliances, sari-sari store packages at 2 motorsiklo na ipina-raffle rin.

Tiniyak naman ni dating Sec. Villar na naging congressman ng Las Pinas lone district, ang patuloy nilang suporta sa migrant workers.

Kinilala rin ng dating DPWH chief ang OFWs na tunay na bayani ng ating bansa. Ikinonsidera niya ang summit na maliit na paraan ng kanilang pamilya upang matulungan ang OFWs at kanilang pamilya na magnegosyo sa ilalim ng new normal.

“We will all recover from this pandemic,” diin pa ng dating DPWH chief na tumatakbo sa pagka-senador sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi ni Congw. Villar na taon-taon nilang ginagawa ang summit upang magbigay pugay sa ating OFWs na “modern-day heroes.” “You all deserved to reap the fruits of your hard work; you also deserved to be honored for your sacrifices.”

Ipinahayag naman ni ex Sen. Manny Villar na kailangang ipagpatuloy ang OFW Summit dahil sa dumarami pang hamon na kinakaharap ng ating OFWs. “We started this (summit) 10 years ago with the goal of helping our people who are out of the country. As House Speaker and Senate President, I saw the many problems of our OFWs,” sabi pa ng Founding chairman ng Villar SIPAG.

Sa kanyang inspirational message, sinabi ni Sen. Villar na sa taong ito, ang ang tema ng summit na “Masiglang Kabuhayan sa Bagong Panahon” ay napapanahon at napakahalaga dahil nagsisikap tayong lahat na makalabalik sa ating normal na buhay.

“This year, we really committed to push through with the summit so we can celebrate a decade of togetherness and new learnings. Puwede naman pala tayong magsama maski online. Nakakatuwa dahil nararamdaman ko kung gaano kayo ka-excited sa muling pagtatanghal ng ating OFW Summit,” pahayag pa ni Sen. Villar.

“We brought the best experts from the business sector and also friends from government to teach the migrant workers how to handle your finances, and provide them with information about business and livelihood opportunities and government reintegration programs for OFWs,” dagdag pa niya.

Sa panahon ng pagdaraos ng 10th summit na ito, sinabi ni Sen. Villar na mababa ang ating employment at “more than a hundred thousand OFWs were repatriated by government from January to October of this year.”

Mula sa 2 million OFWs na ipinadala sa iba’t ibang bansa noong 2019 bago ang Covid-19, bumaba ito sa 612,542 mula Enero hanggang Oktubre 2021. Sa buong buwan ng Oktubre, 66,545 OFWs lang ang nakaalis upang magtrabaho sa abroad. (ESTONG REYES)

104

Related posts

Leave a Comment