OLD SCHOOL NA BUILDING CODE, HILING BAGUHIN

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL)

IMINUNGKAHI ni Senador Panfilo Lacson na panahon nang pag-aralan ang pag-amiyenda sa Building Safety Standards sa bansa na hindi na naaayon sa nararanasang malalakas na paglindol.

Ayon kay Lacson, kailangan nang mapaghandaan ang mga darating pang kalamidad gaya ng malalakas na lindol, mapaminsalang bagyo at baha kung kaya’t dapat nang buhayin na itaas o palakasin ang building safety standards ng bansa.

Sa inihain nitong Senate Bill 1239 layon nito na isailalim sa masinsinang pag-araal ang 1977 National Building Code of the Philippines na magpahanggang ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng pagbabago.

“Experience tells us that there is an urgent need to strengthen the overall policy on how buildings and structures are built in the country. Not to mention the country’s geographical location along the boundary of major tectonic plates and at the center of the typhoon belt, coupled by its socially and economically vulnerable population, it becomes even more imperative to review our four-decade-old National Building Code,” paliwanag ni Lacson.

Aniya, naobserbahan nito na hindi kaya ng mga gusali at ilang establisiyemento ang mga malalakas na pagyanig at mapaminsalang bagyo at baha kaya marami ang nasirang ari-arian, kagamitan at hindi rin naiwasang may magbuwis ng buhay.

Magugunitang noong nakalipas na Disyembre 15, mistulang yinugyog ang bahagi ng Davao del Sur nang tumama ang magnitude-6.9 na lindol na ikinabagsak ng mga establisiyemento at maging ng isang water reservoir doon.

Sa kanyang panukalang batas, hinihikayat din ng mambabatas ang pagtutulungan ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan maging ng pribadong sektor sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) tungo sa mas matibay at pangmatagalang mga gusali, imprastraktura at pasilidad.

Kabilang sa mga pangunahing nilalan ng Senate Bill 1239  tungo sa Pilipinas na mas handa sa mga kalamidad ay ang pagpapabilis sa proseso ng building classification, kasama na ang permit application at pagkonsidera sa multiple hazards at iba pang aspetong pangkaligtasan sa pagtatayo ng gusali.

Gayundin ang pagbuo ng inter-agency at multi-sectoral regulatory body at regulasyon sa kakayahan at kaligtasan ng mga lumang gusali maging ang pagbibigay ng insetintibo sa mga gagamitin ng mga sustainable at ligtas sa kalikasan na mga materyales sa pagtatayo ng gusali

 

199

Related posts

Leave a Comment