OPERASYON NG PUV SA NCR NORMAL NA

NAGBALIK na sa normal na operasyon ang public utility vehicles (PUV) sa National Capital Region (NCR) sa kabila ng may isolated o nakahiwalay na presensiya ng mga raliyista na makikita sa ilang bahagi ng metropolis.

Sa ulat ng Inter-Agency Task Force on Tigil Pasada, ang mga ruta na ibinigay para sa Libreng Sakay ay nasa ilalim na ng normal na operasyon at wala namang naiulat na stranded na mga mananakay.

Base sa naging pagtataya ng task force, ang mga protester ay naka-monitor sa Heritage sa Baclaran, Old Terminal sa Alabang, Monumento sa Caloocan City at Catmon/St. Francis St. sa Malabon.

Matagumpay naman na natulungan ng local government units (LGUs) sa Kalakhang Maynila at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang mga mananakay na naapektuhan ng tigil-pasada, na ayon sa mga awtoridad ay nabigong magdulot ng major disruption sa public transportation sa metropolis.

Nauna rito, sa ulat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD), ang pinagsamang pwersa ng LGUs at national government agencies ay nakapaglingkod sa 4,794 pasahero mula sa 130 na sasakyan na ginamit bilang pantapat sa nasabing tigil-pasada.

Ang Transport group Manibela ang pasimuno ng weeklong strike sa Kalakhang Maynila mula Marso 6 hanggang 12. (CHRISTIAN DALE)

41

Related posts

Leave a Comment