MAS maiksing oras ng pagtuturo ng mga public school teacher ang isinusulong ni Albay Representative Joey Salceda.
Layunin nitong gawing learner-centered at itaas ang resulta ng pagkatuto sa sistema ng edukasyon sa bansa. Bahagi rin ito ng comprehensive education reform agenda.
Nakapaloob sa House Bill 6231 o Teacher Empowerment Act na itinutulak ng mambabatas na gawing walong oras na lamang ang administrative functions o trabaho ng mga guro sa paaralan at gawing magaan ang workload ng mga ito.
Nakasaad din sa panukala ang pagsasailalim sa mga guro sa Continuing Professional Development (CPD) program o mga pagsasanay na hahasa pa sa kanilang kaalaman at kakayahan.
Naniniwala ang mambabatas na sa ganitong paraan ay maitataas ang antas ng critical thinking at comprehension ng mga estudyante.
Matatandaang nanguna sa pinakamababa sa reading comprehension at pumangalawa sa pinakamababa sa math at science ang bansa batay sa 2018 Programme for International Student Assessment (PISA). CESAR BARQUILLA
168