‘OUST-DUTERTE PLOT MATRIX ‘DI GALING SA PALASYO’

panelo 200

(NI BETH JULIAN)

MAKALIPAS lamang ang ilang minuto nang sabihing galing sa Office of the President ang impormayong inilabas ng isang pahayagan patungkol umano sa ‘oust-Duterte plot’, agad kumambyo si Presidential Spokesperson Salvador Panelo at kinontra ang unang pahayag.

Ayon kay Panelo, blangko ito kung saan nakuha ng Manila Times at ng negosyanteng si Dante Ang ang sinasabing kopya ng matrix na nagpapakita ng umano’y sabwatan ng ilang mamamahayag para siraan at patalsikin sa puwesto ang Pangulo.

Iginiit ni Panelo na siya dapat ang maglalabas ng matrix sa publiko pero naunahan na siya ng dyaryo.

Gayunman, bigo si Panelo na maipaliwanag ang nilalaman ng matrix kung saan isinasangkot sina Ellen Tordesillas, Presidente ng Vera Files, Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Rappler at National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Katwiran ni Panelo, ang utos lamang sa kanya ng Pangulo ay ilantad ang nasabing matrix sa publiko at ang Pangulo na mismo ang sasagot sa mga tanong.

Ipinayo pa ni Panelo na basahin na lamang ang dyaryo dahil mas maayos pa ang pagpapaliwanag sa umano’y plano kaysa sa kaya niyang gawin.

Hindi na rin kinontra ni Panelo ang pahayag ng Pangulo na galing sa ibang bansa ang nasabing matrix na hindi rin nito tinukoy kung anong bansa sa halip ay ipinasa na rin sa Pangulo ang sagot.

 

209

Related posts

Leave a Comment