(NI BERNARD TAGUINOD)
UPANG maragdagan ang mga lugar na may libreng ‘internet wi-fi hotspot’ sa buong bansa, binuhusan ng gobyerno ang P1.2 Billion ang proyektong ito upang mapagaan pa ang buhay ng mga Filipino.
Ito ang nabatid kay Makati Rep. Luis Campos Jr., ukol sa isa sa mga binuhusan ng pondo sa ilalim ng 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion na nakatakdang pagtibayin ng Kongreso sa unang Linggo ng Oktubre.
“The amount is on top of the P1.2 billion earmarked this year to build additional access points where Filipinos may freely connect to the Internet via their mobile devices,” ani Campo.
Base sa report ng Department of Department of Information and Communication Technology (DICT) sa Kongreso, umabot sa 2,330 wi-fi hotspot sa kasalukuyan gamit ang unang P1.2 Billion ngayong 2019.
Nakakalat umano ang mga wi-fi hotspot na ito sa 640 munisipyo at siyudad sa 73 probinsya sa 17 rehiyon sa buong bansa at dahil muling binuhusan ng pondo ang proyektong ito at inaasahan na dadami pa ang libreng wi-fi sa buong bansa.
Mahalaga umano sa buhay ng mga Filipino ang internet subalit dahil hindi lahat ay nakaka-access sa bagong teknolohiyang marami ang napag-iiwanan lalo na sa mga lalawigan.
Dahil dito, sinabi ni Campos na magkaroon ng libreng internet connection ang buong bansa at matulungan ang mga Filipino na nasa mga liblib na lugar sa bansa.
“This early, we have to give the DICT all the funding it needs to immediately advance critical projects, including the National Government Portal, the National Government Data Center and the National Broadband Plan,” ayon pa kay Campos.
132