(NI NICK ECHEVARRIA)
NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang umaabot sa P11 milyong halaga ng mga kontrabandong sigarilyo lulan ng dumaong na cargo ferry sa Zamboanga City Sabado ng umaga.
Ayon sa ulat ni Lt. Commander Jimmy Vingno, station commander ng Coast Guard sa Zamboanga City dakong alas-5:30 ng umaga nang makumpiska ang nabanggit na shipment sa loob ng isang commercial ferry na nagmula sa Jolo, Sulu.
Sinabi ni Vingno na ang pagkakatuklas sa malaking halaga ng smuggled na mga sigarilyo ay bunga ng intelligence report hinggil sa isang commercial ferry na naglalaman ng mga imported na sigarilyo patungo ng pantalan ng Zamboanga kung kaya mabiis na inalarma ng PCG ang kanilang mga tauhan.
Nasa 158 kahon ng mga smuggled na imported na sigarilyo ang nabawi na inilagay sa compartment ng engine room nito ng vessel.
Sa unang report sinasabing may halong illegal na droga umano ang mga kahong-kahong imported na sigarilyo, subalit sa isinagawang pagsusuri wala namang nakitang mga ipinagbabawal na gamot.
Wala pang pang umaangkin sa kasalukuyan sa mga nasabat na kontrabando ng sigarilyo.
115