P12-B AYUDA SA MAGSASAKA

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalabas ng P12.7 bilyong halaga ng excess rice import tariff collections para sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program.

Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng P5,000 financial assistance para tulungan ang dalawang milyon na small rice farmers na mapanatili ang kanilang pagiging produktibo.

Ang kabuuang halaga na P12.7 billion ay huhugutin mula sa excess rice import tariff collections noong 2022.

“The Rice Tariffication law, which allowed liberalized rice trade, provided a P10 billion annual appropriation for six years starting from 2019, which will be sourced from rice import tariffs collected,” ayon sa Malakanyang.

Ang pondo ay gagamitin para makapagbigay ng “farm machinery and equipment, credit assistance, seed development, and training to increase local rice farmers’ yield and competitiveness.”

Samantala, ang rice tariff collections na labis sa P10 billion ay mapupunta sa RFFA program.

Ang RFFA ay isang unconditional financial assistance para mga magsasaka na nagbubungkal o nagsasaka ng mababa sa dalawang ektarya ng lupain na nakamandato sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11598, o Cash Assistance to Filipino Farmers Act of 2021.

Bukod sa pagbibigay ng financial assistance sa mga magsasaka, pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng libo-libong sako ng bigas sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa Tungawan, Zamboanga City; Brgy. San Roque, Zamboanga City; Brgy. Santiago, General Trias, Cavite; Iriga City, Camarines Sur; at San Andres, sa Lungsod ng Maynila.

(CHRISTIAN DALE)

289

Related posts

Leave a Comment